madalas, malungkot, masaya, tamang manhid, tamang kalma at kung anu anu pang emosyon ang nararamdaman natin sa araw-araw... mas madalas, mas dama natin ang masasakit na emosyon keysa sa mga sandaling okay at masaya tau.. madami akong kakilala at nakaringgan ng kwento na puro kabiguan ang nararanasan at madalas na topic sa mga usapan.. naisip ko lng, bakit kaya ganun?? hindi ba at tau ay nabubuhay at nakikipaglaban sa buhay upang maging masaya at may kabuluhan ang ating mga buhay?? alam ko parang ang komplikado kung ilalagay sya sa isang journal o kahit sa isang papel na may pluma na kulay dugo..pero hindi bat may simple at may rason kung pagninilayan natin mabuti ang ating mga iniisip??? may nagbigay saakin na isang tao ng isang bagong aral, ang tungkol sa 90/10. ang savi dun, 10% ng kabuuan ng mga nangyayari saatin sa pang araw-araw ay controlado natin at ang 90% ay hindi na natin hawak.. ibig sabihin, ang bawat action, pag iisip, at pagsasalita natin at ang nagiging outcome ng lahat ng itoh ay base kung panu tau magrereact sa 90% hindi nating controladong sitwasyon ng buhay natin... ang hirap nun pero its a matter of thingkin.. halimbawa, kung may isang simpleng di pag kakaunawaan sa isang katrabaho.. kung aaksyon ka at papairalin mu ang sarcasm at pride, malamang mauwi lng sa alitan at ang resulta, isang di productibong araw at bigat sa kalooban.. pero kung babalikan mu xa, panu kung nag isip ka ng rational at inunawa at ngbigay ka?? malamang naauz ang alitan at nakagawa kau ng maauz na proyekto... madalas, ang malalaking alitan ay nagmumula sa mga mabababaw na pangyayari na lumalaki lamang... ang 90/10, madali lng xa kung babasahin, pero malaki ang magiging pagbabago sa takbo ng pag handle mu ng sitwasyon kung susuriin at iaaply mu xa... hahahaha dati dati, ang moody ko, ngaun medyo nabawasan dhil sa principyong itoh.. sana sainyo din mai-apply nyo din... kasi naisip ko lng, ang mga unexpected na mga pangyayari na dumadating saatin ay parang isang exercise na humuhulma sa ating pagkatao, pag iisip at damdamin... pinapakain natin ang ating pagkatao ng mga positive at negative energies na gnagamit natin sa pagbuo ng ating buhay.. kaya magsimula ang isang umaga natin sa ratio 90/10.
p.s.
ang tagal ko nang di nagsulat dito wah! hahaha
medyo bc lng sa work ng onti..
emh//
4 comments:
hapi new year also!! hus dis?-eira
As a man sows, so he shall reap. .........................................
旁觀自己的悲傷是解脫,主觀自己的悲傷是更加悲傷........................................
無一事而不學,無一時而不學,無一處而不學。........................................
Post a Comment