ang aking sentimiento-
parang noong nakaraang araw lang, nagmumuni ako tungkol sa madaming bagay na walang katotoran. pagod sa trabaho, problemang pilit pa din pinoproblema kahit alang maitutulong ang pag iisip. Ngayon, nandito ako sa isang sulok ng aming munting bahay, simple lang ang lahat ng bagay, tulas ng dati, masaya. ngaun, sa paglalim ng gabi, iniisip ko kung anu nga ba ang mali sa kalagayan ko ngayon, sa isang sulok ng puso ko, parang may nakakapa ako na panganib at agam agam. hindi ko matukoy, at siguro, takot akong matukoy. madalas, lagi kong sinasabi na magiging ayos din ang lahat, pero hindi pala. mahirap harapin ang realidad kung sa sarili mo mismo ay hindi mo maharap ang sumisigaw na katotohanan. WALA NA ang kahapon, at WALA NA ang lahat saakin. hindi sa ayaw kong mawala ang mga ito, alam ko sa sarili ko na tama na wala na saakin ang lahat ng iyon. sa ngayon, siguro natatakot akong isipin na hindi ko nanaman natatanaw ang kinabukasan para saaking pinahahalagahan, pero sana, dumating na ang kasagutan sa lahat ng ito. Saan nanaman ako patungo pagkatapos? hindi ko alam, at parang ayaw ko pa umalis sa kung saan ako nakaupo ngaun, kontento at kahit papano ay masaya. mahirap. mahirap magsimula ulet ng panibagong akda at mahirap gumapang pabalik mula sa pagkakabaksak...... may humawak sana sa aking kamay at itayo ako....sana.sana.sana... puno ng takot at pangamba.
ang aking resolba-
sa kabila ng lahat ng agam agam, kailangan kong bumangon at magsimula. kelangan kong mabulin at pulitin ang nagkapirapirasong ako, at kelangan kong makisama sa madaming pagbabago. sa totoo lang, ayoko ng pagbabago, pero kelangan kong mabuhay sa mundong laging dagsa ng madaming pagbabago. gusto kong maging makasarili, pero hindi maari, kelangan kong itaguyod ang mga pinapahalagahan ko. kelangan kong umaksyon at isaulo ang lahat ng aral sa lahat ng mapait na nangyari. kailangan ko ito at kelangan kong gawin... anu nga ba ang mas mahalaga ngayon? sa totoo lang, lahat ng iniisip ko sa ngayon ay pawang mahahalaga. kailangadn siguro dagdagan ko ang aking sarili upang makita ko ang mga pagkakamali at palawakin ko pa ang aking kakayahan upang maabot ko din ang nasa dulo... panu ang aking simula? hindi ko alam.....
//emh.
0 comments:
Post a Comment