I was appalled to myself when I absentmindedly grab a postcard in Papemelroti and begun scrutinizing a particular card that was so familiar and green in my eyes. I cant believed it, I was pinned in the captivating view of the seemingly never ending mountains and terraces of the mountain province in which one of its haven gave us an unforgettable Backpacking adventure ...This place is where no grassroots at all, some called it the end of the mountain, some called it a place into the wild and for a common tourist like me, it was simply called Sagada Mt Province ;-)
Ehem. binura ko lahat ng sinulat kong kasama sa paragraph sa taas, mas feel ko atang ikwento toh sa tagalog since pinag uusapan natin ay about sa isa sa pinakamagandang lugar dito sa Pinas.. re-phrasing...
Isa ata sa pinakamagandang bagay na nagawa ko "so far" ay ang byaheng langit na ito. literal na aabot ka sa langit dahil abot kamay mo na din ang mga ulap sa taas ng mga bundok na babaybayin mo papuntang Sagada. Kasama ang 6 kong mga kaibigan at ang aming mga backpack, dumiretso kami sa Victory Liner Terminal sa Cubao , mga bandang 11pm. Nakaka-excite kasi kanya kanyang nagsiliban sa trabaho ang tropa para lang sa lakad na ito ( may kakilala nga ako, paalam nya sa ofis may "sore eyes" sya ). Pag sakay pa lang sa bus, ma aaksyon na agad ang mga pangyayari, akalain mo un, may " cheating" arrangement pala pag pa byaheng Baguio! Tip ko para sa mga traveller, sa pagbili pa lang ng ticket eh siguraduhin nyong ung ticket nyo is ung magkakatabi ang number. Ung dapat na katabi ko na Miss, masungit kasi nag tanung ako kung pwedeng mgswitch kami ng seats, abah, "No" na pasungit ang sagot! haha pasalamat sya at di ako na Black swan! Isa pang Bus tip, siguraduhing kung stranger ang katabi nyo or nasa likod nyo, wag ugaling parang nasa bahay ka lang kumilos. Ung manong kasi sa likod ng isa naming kasama, ayun, kulang na lang sofa bed na ang position ng upuan at sya pa ang galit ng tinawag sya ng kunduktor upang iayos ang upuan nya kasi nga naiipit na ang kasama namin sa likod, then at the top of that, Super Hilik galour na, hahaha...Tulog...Bus stop...tulog..Bus stop ulet..tulog... ang haba ng byahe pero okay lang kasi madaling araw naman at talagang bedtime sya. Wi-fi pala ang Victory Liner! weeeee.. facebook status na bongga....
Baguio at 6am ;-)
Hayan, tanaw na namin ang bundok at fogs!! Baguio na kami ! Agad agad, sumakay kami sa walang aircon na taxi mula sa terminal at nagpahatid na sa Downtown Baguio sa Dangwa Bus Terminal kung saan sasakay kami ulet ng bus pa-Sagada na. 15 minutes away lang kaya mabilis lang. Sa bus station, may mga nagbebenta ng Glabs ( wrong spelling ata ako? ) , ung nilalagay sa kamay, kakailanganin sya pag umakyat kana ng bundok at sa Cave, 35 pesos rubberized na, pasok sa budget! First trip ng byaheng Sagada is 6:30am . Ang last trip naman ay 1pm . Imagine kung gaano kadelikado ang daan at ang aga ng cut-off.weee, exciting lalo. .taddaaa!!! Paalis na ang Bus!
Downtown Baguio-Dangwa Station
Enjoy tong trip na ito, saan ka pa, 6 hours ulet ang byahe mo at take note, Non-Aircon ang Bus na sasakyan mo! Isama mo pa ang mga chickens sa itaas ng bubong at ang malamyos na country music sa radio station. Di sarkastic ang tono ko dito wah, pero makakaaliw pakinggan ang music sa bus. Maganda ang beat ng music at talagang original. Napanuod ko toh sa isang docu sa tv, ung mga local artist dito sa Baguio at Benguet talagang hard core artist, kasi, nilalako pa nila talaga ang mga CD Album nila sa bahay-bahay para maibenta, eh di naman siksikan katulad dito sa Manila ang mga bahay, so lakad ng malayo talaga. Clap,clap,clap.
Naexcite nanaman ako, after 1hour, bundok bundok bundok na ang views ! After 1 hour ulet... ang reaksyon ko, "wow,bundok!", tapos, "wow, ganda ng bundok!", at tapos ulet " wow,wow!! astig,bundok ulet!"....ganun kaganda ang view, tanawin pa lang, ulam nah...... After 2 hours, ganito na reaksyon ko " ok, bundok.....(antok at pagod na ang pwet sa pag upo,hehe ).. dont worry sa mga travelers, may mga pit stops naman weh, na may mga masasarap na pagkain like Pancit bihon with Fresh Benguet veggies!
On road view going Sagada
Ito nah, ang sumunod na 3 hours sa bus ay masasabi kong " Deathtifying Stunts" !!! parang bulate lang ang zigzag sa Baguio kumpara sa zigzag pa-Sagada! Bangin kung bangin at minsang single lane ang daan! ang malufet, ung bus, parang 180 degress ang ikot!!! grabe, naging madasalin nga ako bigla, kada liko kasi, talagang parang mahuhulog ka na lng bigla. Buti na lang si manong driver, the best!!! Idol ko na sya!! ang galing,partida, palingon lingon pa sa bundok si manong nyan, Coooll!!!!!!
Hayan, 1 hour na lng andun na daw kami, grabe, akyat ng akyat ang bus!! taas na namin!!! pag nasira ang sasakyan mo sa daan dito, grabe, di tiyak kung saan ang bagsak mo! naging patag na ang daan...Taddaaa.. Welcome to Brgy, Dagdag Sagada!
Arriving at Sagada
1pm nang makarating kami, eto na magstart ang adventure, ang daan puro pataas at pababa!!! daig pa mrt! haha pupunta na kami sa pag stayan namin dito. Buti na lang ung couple na kasama namin, nakapunta na dito kaya tried and tested na ang service ng tinuluyan nila. We stayed at Tita Mary's Residential Lodge with free coffee,mountain tee and hot water ;-) Sakto lang ang place and sobrang mura ng rent, 200 pesos per head per day lang! May fireplace, common bathroom at computer with internet free pa. What I liked about the place, nasa gitna sya ng mga pupuntahan namin at kahilera nya ay ang mga souvenir shops, mga kainan at bilihan! Si Tita Mary accomodating pa at ung place nya, may larger than life na Sagada map para sa mga guest nya. doon, pwede nyo nang tignan kung saan ang mga pupuntahan nyo.
Residential Lodge ni Tita Mary
Right after namin maiayos ang mga gamit namin, dumiretso kami sa sikat na sikat na Yogurt House na restau!! grabe, ung yogurt nila, no match ang Yogurt Nation ng The Fort! fressh fruits at iba ang timpla ng yogurt mismo nila. At take note, ang waitress nila ay fluent sa english with a good grammar,announciation,pronunciation,diction and lahat na ata ng may -ion na word. Nosebleed. Un pala, typical na sa mga taga Sagada ang fluency sa English since they are not conquered by spaniards and that American missionaries are the ones that reached out to them and educated the natives. Naisip ko nga, buti pa ang mga foreigners, nagawa nilang mag-imbibe ng knowledge and helped ung mga natives natin samantalang ang government hindi nagawa.hays naku... Anyways, solve na solve kami sa malalaking servings ng food sa Yogurt house, take note, may fresh veggies na side dishes ang lahat ng main dishes nila.
Sobrang busog talaga!!! Its time for some real actions!! Since pa hapon na, ang una naming pupuntahan ay ang Echo Valley na 20 minutes away mula sa tinutuluyan namin. It was called Echo Valley since pag nandoon ka na, you can whisper este you can shout out loud and then you can hear the loud echo as well!!! Whats the main attraction in this place??? Well, its their Hanging Coffin!!! Yes right, ang sabi ng isang local dun, ito ang practices ng mga ninuno pa nila. it was derived from their old religion which they believed and worship the " anito's and spirits". Hindi daw lahat ay nabibigyan ng opportunity na mailibing sa mga caves at cliff edges or hangin coffins, kelangan native ka since birth and you are married with children. Naniniwala kasi ang mga Sagadan Natives na in time, mareresurrect ang mga namayapa na and para di na mahirapan ang mga ninuno nila sa pag ahon sa lupa, kaya naka hung na lang ang kanilang mga labi sa mga bundok at caves. May mga names din ang bawat coffins and may kaliitan. naka-fetus position daw ang mga bangkay, so parang mga mummies lang ng Egypt pero naka fetus position.
Hanging Coffins at Echo Valley
Sa ngayon, may nadaanan na kaming cementary before ung Echo Valley, so ung mga tao ngaun, siguro ay less na lang ang practice nila sa ritual na ito. Saglit lang ang trekking namin dito, kaya napag desisyunan ng grupo namin na dumiretso na sa Underground river which is karugtong lang ng Echo Valley. Eto na ang challenge, ala kaming tour guide!!!!! hahaha pero sabi namin, keri lang yan, susundan na lang namin ang mga trail. Hayan, nagsisimula nang umanbon at dumudulas na ang daan. Hay naku, ako ang pinaka loser sa group, ilang beses akong nadudulas at sumasadsad sa putik!!! badtrip ang Sandugo na tsinelas na dala ko! amp. Tip ulet , pag trekking, bumili ng Tribu na sandals!!! ung makapit wah!! hahaha.. Natakot kami kasi dumidilim at lumalakas na ang ulan ay andoon pa kami sa gubat. Pero kaya yan!! warm up challenge ito!! aakyat, bababa ka ng mga bato .. may nadaanan kami na tubo at damo lang ang kakapitan mo paakyat, magkabilang dulo " deathtifying bangin"!!! hay naku, sobrang scary talaga. Buti na lang may pag ka survival/ amazona ang isa naming kasama at sya nakahanap ng daan!!! mag 6pm at madilim dilim na ng makaakyat kami. ung inakyatan namin is ung Hospital pala ng lugar, grabe..creeppy!!! ang saya sa pakiramdam. maaprreciate mo ang ganda ng nature mula sa loob ng bundok ;-)
Fresh pa mga face - going Echo Valley
Church along the way
Akyat na papuntang Cementary and Echo Valley
Steep-along-the-way
River!! tubig na wagas!! lamig;-)
Tanaw nyo yan? Inakyat Inakyat namin yan!
Creepy..may mukha ang Old tree na toh
After echo valley!! wuhooo!!! dugyot ;-)
After the physically draining, culture shocking experience, ligo muna and then kainan to the max!!! Our next stop, The Salt and Pepper restau !! Swerte na din, kasi bumuhos ang malakas ng ulan that night, sobrang lamig na nga, na triple pa pero keri lang, presko sa pakiramdam ang hangin sa Sagada. Tamang tama din ang pagdating namin sa kainan, kasi, hanggang 9pm lang pala ang mga kainan doon, may curfew kasi sa Sagada. We have a festive dinner, ang dami din ng servings dito sa Salt and Pepper!! sabi ng owner, kaya daw Salt and Pepper ang name ng place is because ung dating chef nila doon ay ngwork daw sa Olangapo Zambales dati sa isang Salt and Pepper na restaurant, so, na inspired sya kaya sinudggest nya sa owner na un din ang ipangalan sa restau. sobrang sarap ng Rosemarie chicken nila and spag!!! Sobrang cozy ng place, and ang generous din ng owner, she gave us free Squash flavours cupcakes!!! di ako kumakain ng gulay pero nakain ko toh, kasi ang tamis at masarap!! yumyum!!!
Salt n Pepper meal time
S&P Squash Cupcake ;-)
We got up ng sobrang aga!!!! 4am ang call time namin!!! our destination-- Mt Kiltepan!!! its 15 minutes away, and di naman ito mahirap akyatin tulad ng echo valley but from the peak nito, habol namin ay ang perfect view ng Sagada sunrise!!!! parang nasa taas ka ng mundo!!! kita mo kasi ang ulap sa baba mo, inaakap ang mga terraces at mga bahay sa baba ng bundok.. kanta nga ng isa naming kasama " Im on the edge....-lady gaga song".. haha breathtaking and cold, kung dun lang sa tuktok ng bundok ang house ko, araw araw siguro maaga ang gising ko ;-)
Im on the edge of.... Mt Kiltepan
Early birds ;-)
Nakalimutan kong ikwento, maari ay nagtataka kayo kung paano kami nakakapunta sa mga locations namin, the secret- the friendly SEGA Sagada Environmental Guild Association , sila ang mga locals na tourist guides sa Sagada. may mga information centers na malapit lang din sa nirerent namin na place. Doon kayo makakakuha ng map, tour guide at pati van na service nyo.. rent namin sa Van-500 pesos per location at 600 pesos per tour guide per day - hati hati kayo dyan, so mas marami kayong magkaka troopa, mas less ang expenses ;-) sobrang sulit grabe, kasi talagang magagaling at trained ang mga toure guides. Kami, nag stick kami sa tour guide namin na si Kuya Errol na Grayish ang color ng eyes, mabait kasi sya sobra!
Tourist info Desk at your Service
After the breath taking view sa Mt. Kiltepan, nagutom kami ( as usual) . bumalik kami sa Residential Lodge and kumain sa kapit bahay namin na restau ang The Banas. Sobrang lufet ng longanisa nila with brown rice and Wild mango fruit! haha ala akong masabi sa hot choco nila at Sagada soup!!! natuwa kami sa alagang pusa nila doon, wild cat!! lahat ata ng animals doon wild eh, kasi, kahit alang breed na pusa or aso, ang gaganda!! ganda ng mga balahibo, marahil ay dahil sa magandang climate doon.
Bana's Sagada Soup, mainit init pa
Bana's, our friendly neighborhood
Sa sarap ng food namin, hinahanda na namin ang aming mga sarili sa susunod naming challenge. Next : Mt Ampacao . Ito na ang hard core trekking experience of all trekking!!! we went there around 9am, sobrang ganda sa baba pa lang. makipot ang daan pero mas friendly ang daan nya kaysa sa echo valley. from there, ang aming tour guide ay itinuro samin ang isang secret pag ng tretrekk.. para mas mabilis makaakyat ng bundok, use a magic stick!!!hehe mas madali kasi kapag may pang tukod ka pag umaakyat ng bundok at the same time, nachecheck mo sa dinadaanan mo sa harapan. you can get it saa gilid gilid ng dadaanan mo. mga 4 na oras ang lakaran at pahinga, pero ang magandang part ng Mt Ampacao, sa bawat pagmasid mo sa paligid, sobrang ganda!!!! makikita mo ang mga nagtataasang pine trees at wild orchirds. may mga wild berries and roses din! may mga wild mushrooms at the same time wild shits ( tae ng kabayo at baka ata un ) with berries and mushrooms on top ;-) Favoirite part ko dito is yong parang nasa netherland na set up sa tuktok. puro small pine trees sya na parang christmas trees!!! talagang ang ganda ganda ng Pinas, pang holliwood sa ganda. Sa tuktok, meron din pastulan si Lolo Alps ni Heidi, hehe at mas madaming edible na berries kang makikita. ung isa naming kasama, naging favoirite nya agad un! Ang challenging na part dito, is ung pag baba. buti na lang suot na namin ang aming mga Glabs ( wrong spelling ulet ) , mapapakapit ka talaga sa mga baging baging na tusok tusok.. sabi ng toure guide namin, ung may natatanaw pa kami na kabilang bundok, un na daw ang Tirad Pass kung saan namatay si Gregorie Del Pilar. Hanep, may pa-triangle talaga ang korte ng tuktok, pero ilang bundok pa ang tatawirin mo bago ka makarating doon. woossshhh.. ang saya !!! isa pa sa nadiskubre ko sa Mt. Ampacao nung nasa tuktuk na kami, ay talagang abot ng "Globe " ang mundo! ang lakas ng signal ng globe sa tuktok,haha
Mt Ampacao survivors!
Wild Mushroom sitting on a Wild Shit
Stop and drink muna
Yon, abot tanaw ang langit
Netherlands in Sagada
Brookback mountain
Wild berries everywhere
At the top of the mountain, Heidi hinahanap kana ni lolo Alps!
Taas ng tingin ;-)
Tremendous trekking but super worth it ! daming gutom nanaman kami nito, lunch time na, at nirefer samin ni manong driver ang Budget meal na kainan! sa downtown market, basement area ay matatagpuan ang isang kainan na pasok sa budget. 75 pesos isang order may isang ulam and rice ka na, may libreng coke ka pa! sarappp...
After kumain, we are ready for the highlight ng Sagada trip namin-- ang Cave Connection. We will start at Lumiang Cave and ang exit na nun ay ang Sumaging Cave. at first kinakabahan ako dito, kasi first time kong papasok ng cave and on top of that, 6 hours kang nasa loob ng cave!!! halaaa.. nirequired kami na magkaroon ng 3 guides kasi since 7 kami, di kakayanin ng 1 guide lang dahil sa mga obstacle na matitindi na dadanasan namin sa loob ng cave. That afternoon, nagtungo na kami sa lugar ng cave, 30 minutes away from our rented place. Akala mo sa una, daanan lang ung cave, un pala, bababa ka sa ibaba ng kalsada at maglalakad ng mga 30 minutes para makarating ka sa bukana ng cave. hanep. bungad pa lang parang gusto mo nang umatras sa nakikitang kadiliman with the grand entrance pa ng mga coffins sa gilid. No choice nah, ala nang atrasan ito. kaya nagpatuloy kami sa pagpasok sa loob ng cave! ung mga tour guides namin, nagsimula nang magsindi ng gasera. tama, gasera lamang ang magiging ilaw namin sa loob ng cave!! nagsimula na din silang maglabas ng mga lubid sa mga backpack nila habang kami naman ay nagsimula nang magtanggal ng tsinelas at sandals. Tip ulet, magtapak na kayo! trust your feet!! at ito na ang extremely " deathtifying "! papasok pa lang, sobrang hirap na dahil sa maliliit na butas kayo dadaan. ung ibang lusutan, sobrang parang di kakasya ang tao pero kelangang ilusot mo ang katawan mo doon. and take note ha, ang gilid mo, mga bangin. sa sobrang lalim, kadiliman nga angmakikita mo. amp. kapit na kapit ang mga pwet namin sa mga bato... turo samin ng tour guides namin, kelangan ung weight namin, ilagay sa pwet para di dumausdos pababa.. at wag na wag mag papanick. sobrang naging thankfull kami sa mga tourguides namin kasi, ang gagaling nila! taong cave ata mga un weh, biro mo mga naka " beachwalk" na tsinelas sila at ni hindi nila un tinanggal!! gagaling!!! ako ang pinaka mareklamo at sobrang cause of delay kasi mahirap talaga ang mga dadaanan mo. may mga part nga doon na sobrang "deathtifying" na natakot talaga ako kasi aakyatin ka pero ang tinatapakan mo is gilid ng bangin na mataas! amp.. pero na inspired ako ng sabi ng isang tour guide namin na " FEEL THE EARTH", meaning kelangan makiisa ka sa nature para masabayan mo ang daloy ng nature, and it works!! sobrang ung instinct mo kusa syang kakapit sa mga bato bato even though may mga tubig. siguro nga ang main point ng adventure na ito is to get closer and intimate again with nature. we need to understand and embrace its origin and at the same time, we have to treat it like our best buddy so that in return, it will also treat us very well and will show us the beauty that it hides. ... nakalungkot nanaman kasi, sa loob ng cave, may part doon na may Vandals!!! sobra!! ang ibang turista tlga, mga mapanira! going back, worth it ung pinunta mo doon sa cave, may mga stalagmites and the icy water na pwedeng mag swimming!! sobrang ganda ng mga rock formations and water flows.Dati daw lubog sa tubig itong caves since dating Sea or dagat ang sagada, kaya tlgang magnificent ang loob nya... . un nga lang, paglabas namin ng cave, warak ang shorts namin!! hahaha not to mentioned ung dadaanang shits ng paniki!!! ewwwwww but super duper memorable ;-) at 6pm, nakalabas na kami ng Cave.
Bukana ng Lumiang Cave
Kunwari brave kami ,pero hindi, hindi!! haha
Entrance with the coffins
Tour guides starting up the fire with the bangin at the background
tamang upo sa gilid ng bangin
isa sa mga madadaling binabaan namin. mababaw pa yan ha!
Ganito kasikip ang ibang butas haha
Gagapang ka lang pero bangin na yang sa harap ;-)
Ayiii si More Than,haha
Si spiderman lang ata kaya nito
picture taking sa isang korean na nakasalabong namin. ung kasama nya nadulas at lumusot sa butas, buti na lang naagapan ng isa namin kasama, nahawakan sya sa kamay..kasi naman, nasa loob ng cave pero naka shoes, hehe.. take God, naging safe naman ang lahat ;-)
Kinabahan kaming lahat sa part na to.ala ka kasing kakapitan, may running water yan. at Bangin na yang sa harapan namin hayssss
Magestic stalagmite!!! Saging lang ang may puso ;-)
Frog,frog..sa sobrang lamig, umuusok ang katawan namin arrggg
Sumaging cave na toh, puro stalagmites na kasi ;-)
Plank Republic inside the Cave, o ha!!!
Kings curtain stalagmites ;-)
This is the bottom part of the cave
Cave survivors!! wuhoo!!! photoshoot with our guides ;-)
One more thing you ought to remember , paglabas nyo ng cave, make sure na may service van kayo!!! kami kasi ala, hahaha eh sobrang layo at puro pataas ang lalakarin mo if ever eh ubos na ubos na ang energy nyo paglabas ng cave.. hahaha lucky for us, may naawa samin, ung mga nakasabay namin sa cave with our tour guides, pinasakay kami sa likod ng truck nila.. sobrangg relieved kami , thanks guys!
Love this pic ;-)
The follow day, late kaming nagising lahat. hahaha 7am kami nagsipag gayak, our next stop : Marlboro mountain! this is where wild horses can be found. sabi ng tour guide namin, dapat daw mas maaga pumunta kasi mas madami daw maaabutan na horses, pero di talaga kinaya dahil nabadtrip kami sa kinainan namin na Shanghai House na restau! inabot kami ng mga 2.5 hours doon, at hindi masarap ang food!!! buti na lang may cable tv sila at palabas ay Cars, kaya di masyadong nabadtrip.. ang nakakainis na part lang doon is bad na nga ang service dahil sa tagal mag serve ng long silog na sobrang liit ay bad manners pa ang tindera. nagsungit ng wala sa lugar..haysss.. ayaw ko sana isulat ito, kaso dahil sa kainang ito, nasira ang iterinary namin for the day. amp. 11am na kami naka akyat ng Marlboro mountain at isang wild horse lang ang nadatnan namin ;-( pero enjoy pa din ang trip, ung isang friend namin, nag Plank sa taas ng bundok!!! haahha at mas madaming wild berries dito!!!! pagkaing tunay, hahaha
Hay naku, beware, bad ang service sa restau na toh.
Marlboro Mountain
Into the wild ;-)
whisper,have a happy period ;-)
The wild horse is over there...there..there....
Plank Republic at the peek of the mountain;-)
Wild strawberries ;-)
After the wild wild Marlboro Maountain trek, kainan ulet pero this time, sa Sagada's pride in lemon pies- the Lemon Pie House. para kang si Goldilocks and the 3 bears pag nasa loob ka, kasi ang liliit ng upuan!! cute!!!! warm welcome ng bongga ang owner samin, and much awaited ang kanilang lemon pie.. 170 pesos lang, may isang box ka na ng lemon pie.. approve!!!
Lemon Pie House ;-)
Lemon pie, namit ;-)
Dahil pare pareho kaming nakaramdam ng matinding pagod, dahil sa non stop na challenges, nag day off muna kami sa adventure that afternoon at nagsipag tulog kami!! hahaha pagka hapon, ayon, shopping nah sa mga souvenir shops doon!!! the best ang mga blueberry jam, mountain tea leaves, fruit wines , black and brown rice, at mga sagada coffee nila!!! alamid coffees kasi, mura lang doon un!!! bumili talaga kami ng " I Survive Sagada " shirt dahil totoo naman tlga!!! hahaahha that night, nag hotdog party kami sa fireplace ng hotel ni Tita Mary ;-) saya...
Oooppsss... di pa kami uuwi nyan, the following day, 5am ang call time namin at nagpunta kami sa Bumod-ok Falls, the largest water falls sa Sagada. ito ang exciting, kasi, tatawid ka literary sa Rice Terraces!!! hahaha pagdating namin doon ay pinalitan ang tour guide namin na si Kuya Errol, kasi dapat pala ang tour guide doon ay kasapi ng tour guide association ng ppntahan namin which is hindi SEGA. kakalungkot, akalain mo un, kahit sa Sagada may issueng politika.hayss... Okay naman ang pumalit na guide namin, local sya doon at mabait naman.. nakakatuwa at talagang dadaanan mo ang pilapil.. mga isa at kalahating oras din kaming naglakad at sa wakas, nakarating din kami sa fall!! grabe, malayo pa lang kami, tila umuulan na,, ganun kalayo ang ange ng falls.. sobrang lakas ngagos ng tubig at sobrang ginaw din.. naligo na agad kami !!! ang maganda sa part na un, may makikita kang mga basurahan, talagang iniingatan ng mga locals ang falls at kita naman iyon sa linis ng tubig doon. .. saglit lang ang ligo namin doon, after noon, dumaan muna kami sa hangin bridge wherein di ko kinaya ang pag tawid haha.. pagbalik, mas mahirap ang daan kasi puro paakyat na. nagulat ako nang may mga nakasalubong ako na mga bata na parang 6 years old lang na may dalang mga sako, grabe, aga ng lakas pag gawa doon.. at dahil nasa dulo ako ( as usual), nakasabay ko ang bago naming guide, nag kukwento sya na simple lang buhay doon at talagang ang ganda ng paligid nang biglang may narinig kami na nahulog sa di kalayuan.. bumigay pala ang tali ng isang cable na ginagamit sa pag transak ng mga niminina doon. nagulat ako, may minahan na pala sa parteng iyon pero di sakop ng gobyerno.. sabi ni manong, small time lang daw un at restricted lang ang areas nma pwedeng minahin.. ayaw daw nila ipagalaw sa gobyerno ang lugar dahil tiyak lagas ang kabundukan.. sa isip isp ko, di ba , pareho lang din naman ung nagyayari, pinapayagan nila ang private companies na magmina doon well in fact, inaabuso din ang likas na ganda ng bundok, sana di na lang pinayagan at all, di ba??? sadyang mahirap ang buhay doon kaya kailangan pa ng mga ganung alternatibong paraan ng ikabubuhay .... natapos namin ang advernture na un na again, mas lumalim ang pag nanais na protektahan ang mga likas na yaman dito saatin....
Rice Terraces going Bumod-ok Falls
Lalakarin namin yan pababa ang kahabaan ng mga pilapil,hehe
atlast, maangge ang falls !!!
xempre, di papatalo ang Plunk Republic sa falls!
model pose kahit sobrrang lamig ;-)
hanging bridge...
waah..ganda ;-)
Rice Terraces going Bumod-ok Falls
Lalakarin namin yan pababa ang kahabaan ng mga pilapil,hehe
atlast, maangge ang falls !!!
xempre, di papatalo ang Plunk Republic sa falls!
model pose kahit sobrrang lamig ;-)
hanging bridge...
waah..ganda ;-)
Lamig sa falls ;-)
After nun, nagsimula na kaming mag empake at magpaalam sa lugar na kumopkop saamin ng ilang araw at naglapit saamin sa kalikasan. hinding hindi ko makakalimutan itong byaheng ito, kasi, sobrang andami kong natutunan sa sarili ko na kaya ko palang gawin ang mga challenges na iyon, pero higit sa lahat, mas namulat ako sa halaga at ganda ng kalikasan... mas inspired ako ngayon na magsumikap at magbyahe locally upang makita ko din ang iba pang tagong yaman dito sa Pinas. Sabi nga, unahin muna nating iappreciate ang Pinas bago ang ibang bansa... Balang araw, babalik ako sa Sagada, gusto ko ulet maramdaman ang kapayapaan ang matinding koneksyon ko sa kalikasan ;-)
Thanks sa aking mga mabubuting kaibigan for this unforgetable trip - Van, Juls, Pearl, Nikki,Vlad and Arnel!! Gonna miss you guys and Mabuhay ang mga survivors ng Sagada ;-)
//emh.




















9 comments:
Sagada is a place you can appreciate if alone, enjoy if with someone and value if with friends.. Thanks guys for the wonderful journey.. More places to conquer and set trails to.. Nice story Eira, i felt the mountains again while reading your piece :)
thanks Van!!! dont worry, many exciting adventure trips to come ;-)
ANG HABA. BOW.
Nakaka inspire. sa pagbasa pa lang....mararamdaman mo ang hirap, pagod at sarap ng mga nakapunta.Isang magandang pagkakataon para makita ang magandang kalikasan ng ating bansa. Maganda kung palagiang gagawin at mas maganda KUNG KASAMA AKO!!!
hahaha mommy beth, sureness, next time, kasama kn hehehe ;-)
arghh... di q lam kung maainis ako u just made me feel more envious with all the details u've mentioned in this quest I shld've not read this. hehe joke. I honestly enjoyed reading it eira and gave me the thought that this ain't just a vacation trip but more of "to get closer and intimate again with nature" as u said. I luv this line =)
@ jem: hey pony!!! haha bawi ka na lng next time ;-) thanks sa comment! we will surely be back in Sagada, sumama kn dpt ha ;-)
Because of this blog reviews, I will definitely be there by next year :) Thanks ate Ei.
ur so much welcome Ed!!! Go!go!go! ;-)
Post a Comment